An Pobre nga Abuyog-non

Thursday, January 1, 2009



Abuyog-non: Ang New Year ng Pobre



Photo: a bag of 3lbs fuji apples and 4 cans of fruit juice
Date: I took this photo last New Year's Eve



Kung ang iba ay naging super busy sa paghahanda noong New Year's Eve, kabaligtaran naman sa kin. Ang dahilan, syempre di ko naman kasi kasama pamilya ko, ala akong bahay na kompleto sa gamit at pangatlo tipid ako sa gastos. Dito may mga Pinoy din na naghanda at nag party, unfortunately itong pobreng Abuyog-non ay hindi invited. Kaya pinagod ko sarili ko sa pag ikot sa shopping center (dalawa lang naman dito ang malalaki) hanggang magsawa sa kawi-window shop, sabay uwi na kagad sa dormitory kung saan nagpuyat ako sa pag-antay ng alas dose ng hatinggabi.

Iba syempre dyan sa Abuyog. Mas feel natin ang pagsalubong sa bagong taon. Pag medyo may extrang pera e bongga ang handa sa Media Noche. Sigurado di mawawala ang fruit salad liban pa sa twelve to thirteen different kinds of round fruits para swertehen sa darating sa taong 2009. Maingay din dyan sa atin sa Abuyog, meron paputok, may lata nga gin-guguyod san motor or potpot, may nagpapatugtog ng pagka lakas-lakas tapos may kantahan pa.

Dito syempre wala. Tumawag ako dyan sa Abuyog sa pamilya ko para kahit papaano ma-greet ko din sila ng Happy New Year bago pa maging busy ang lahat ng cellphone companies. Di ko nga malalaman na alas dose na pala at New Year na kung di pa ako napatingin sa relo. Ala man lang sirena ng bombero or wangwang ng police car para maging hudyat na ito na ang bagong taon.

Kaya itong taga Abuyog na pobre ay kumain na lang ng pinamili kong fuji apples at fruit juice. Walang biro yan ha, dinala ko pa talaga ang push cart sa section na walang namimili para lang makunan ng picture, hirap din pala pag gusto mong i-document ang mga ginagawa mo no, i got some disapproving glances sa ibang namimili. Isip ko tuloy "eh care ko sa inyo, trip ko to, gaya na lang kaya kayo".

At sa wakas mahaba man ang pila e nakarating pa din ako sa kahera, ayan ang napamili ko para sa pagsalubong ko sa New Year. Notice mo yung juice? Galing din Pinas ang iba nyan.

Labels: , ,

posted by Selin at 4:59 PM

0 Comments:

Post a Comment

<< Home

Add to Technorati Favorites Personal Blogs - BlogCatalog Blog Directory