An Pobre nga Abuyog-non

Thursday, November 13, 2008



Tupas of Abuyog

As promised, ito na ang ilan sa mga swimming pictures taken ng mag kami sa beach sa Abuyog. Kasama ko family ko though, most sa mga pangalan ng mga pamangkin ko eh limot ko na. Sobrang tagal na kasing hindi nakabisita sa lugar na pinagmulan ang apelyedo namin. Pero kahit konti ang handa e napagkasya naman.

Year 2004 ang last na pag uwi ko sa province (Abuyog)namin, at gulat ko na maganda na pala ang beach doon. Madami na cottages at meron na din mga puno ng niyog.

Yun lang, meron na din bayad ang cottage, pero tulad ng dati
libre kahit ilan pa kayong maliligo. Dito sa tabing pic na to si mana Nenita, tumulong sa paghahanda ng mga lulutuin pati na rin ang pagluluto. Masarap yung ginawa nyang laman loob (na di na alam ni Mommy kung ano ang luto na pwde kasi nakalimutan nyang bumili ng pangdinugu-an) na niluto sa gata.

Kasama ko family ko though, most sa mga pangalan ng mga pamangkin ko eh limot ko na. Sobrang tagal na kasing hindi nakabisita sa lugar na pinagmulan ang apelyedo namin (Buntay, Abuyog). Pero kahit konti ang handa e napagkasya naman.

Ito ang ilan (kasi meron pa iba) sa mga beauties na nakunan ko ng picture, auntie ko, pinsan, nanay kong maganda at mga kaibigan nya.

Ito naman si Mana Marianing, maraming salamat sa hinanda mong suman sa latik. Sobrang sarap, pati mga bata nagustuhan, pati ata Tatay ko na bawal sa matamis eh sumubok din. Salamat din sa pagdalo at sa pag asikaso tuwing bibisita kami.
Ilan lang sa mga relatives ang nakapunta, okay lang din, kasi hindi naman yun reunion, swimming lang naman talaga, pero yung mga pamangkin aba, nagsipunta ng mag lunch break (sa school).

Kala ko mahiyain sa camera, ito at nagpo-posing pa kasama ang tita at tito nya. Di, ba, ganda!


Ito si Kyle ang batang pogi na singkit, pero makulit, sabi na wag muna maligo kasi mainit pa, ayun ayaw paawat, nangyari tuloy puro kagat ng "budol" (jellyfish). Akalain mong sinundun sya ng mga kaklase nya ng pumunta sya sa beach nung lunch break nila.

Walang kapaguran talaga mga bata kahit sa ilalim ng init ng araw, kaya nung matapos ang swimming..... mga ulikba!





Very soon, malalaki na din itong mga to, magdadalaga tapos magsisipag-asawa. Malamang sa susunod na pagkikita natin meron na akong apo nito. Nagsipag absent pa ata ang mga to sa school e.


Meet the parents. Ang auntie ko at nanay ko, kapwa magaganda. Naks naman. Tatay ko ayan maputi na buhok, pero sadyang ganyan na yan, kahit noon pa. Sabi nya high school pa lang madami na syang "uban". Ngayon bukang bibig na nya na yan daw ang"Tatak Loloy". Katabi naman nya ang kapatid nya, uncle ko.

All in all masaya naman ang pagkikita-kita kahit don sa baybayin (sa likod ng bahay namin!!!). Konting salu-salo, may kantahan, kulitan, swimming at syempre konting inuman. Tuba, yan ang paborito sa lugar namin, kahit ng Nanay ko na bawal na sa kanya.



Labels: , , , ,

posted by Selin at 5:29 PM

0 Comments:

Post a Comment

<< Home

Add to Technorati Favorites Personal Blogs - BlogCatalog Blog Directory